Bakit bato sa buhangin?

Ang mga nangyayari sa lipunan ay tulad ng bato sa buhangin, unti-unting natatabunan ng nakapupuwing na lupa – makasaysayan. Hindi nga ba?
Kung mapagmatyag, marahil, ay alam na alam ang mga nangyayari sa kapaligiran. Naghahari ang walang katapusang sigalot, galit at pag-agaw ng kapangyarihan – pulitika ang punto. Mga isyung hindi pa nagbibigyang-linaw magpasahanggang ngayon. Tama ba?
Ano na ang nangyari sa “impeachment” ni PGMA? Wala… Tulad nga ng bato sa buhangin, natabunan na ng nakapupuwing na pulbos ng lupa ang isyu. Hukayin ma’y tila mabubulag sa hapdi ng pagkakapuwing. Hindi ba tama?
Sa wakas! Dumating na si JJ Bolante, susi daw sa maanomalyang “fertilizer fund”. Teka muna. Nagsimula na ba ang pag-uusig sa senado? Hindi pa… Muli, si JJ ay isa ring bato sa buhangin. Unti-unting natatabunan ng nakabubulag na lupa. Heto na nga’t parang naibaon na sa lupa ang katotohanan.
Sana lang, ang Pilipinas ay hindi isang bato sa buhangin.